Ang LRT at MRT ay isang mahalagang pampublikong behikulo sa ating bansa ngayon. Ito ang nagpapabilis ng transportasyon ng mga tao mula pa sa mga malalayong lugar at ito ang tinatangkilik ng mga mamamayan dahil sa 'di hamak na mas makakatipid kaysa ang pagsakay sa mga Bus at Taxi. Ngunit sapat nga ba ang serbisyong naibibigay ng MRT at LRT?
Mainit, siksikan, mahabang pila at pasira-sira - ganito ilarawan ng mga pasaherong estudyante ang kanilang biyahe kapag sumasakay sa MRT at LRT. At sa tuwing nagkakaaberya pa ay nadaragdagan ng halos isang oras ang kanilang biyahe. "Mabilis sana ang paraan ng pagsakay sa LRT para makarating sa eskwelahan, iwas trapik siya, ngunit minsan sa pila pa lang nakakapagod na, mainit pa. Tapos pagakyat mo sa Platform, marami nang tao, late ka na, siksikan pa. Imbes na fresh pa 'yung utak mo, stress ka na pagdating sa pupuntahan", ani ng mga pasahero. Natutunghayan natin ang pababang serbisyo ng MRT at LRT, maski mas ang mga dating administrador ng LRT na si Mel Robles ay nasusubaybayan ang mga pangyayaring ito. Sinabi ng dating administrador na nasaksihan niya ang unti-unting pagbitiw ng gobyerno sa tungkuling subsidyo ang serbisyong panlipunan, kasabay ng lalong paglala sa kalidad ng operasyon ng mga tren sa bansa. Kadalasang nababalita ang mga aberya ukol sa MRT at LRT, tulad na lamang na habang sa kasagsagan ng malakas ng ulan ay tumigil ito matapos tamaan ng kidlat, dahil dito na-delay ang pagdating ng tren at marami ang naabala. Isa pang halimbawa ang nabalitang habang umaandar ang MRT ay nakabukas ang isa sa mga pinto nito, napakadelikado ng mga kasong ganito lalo na't ito lamang ang pampublukong transportasyon na kakayanin ng mga estudyante na maaaring pagmulan ng aksidente o trahedya.
Kung iisipin hindi patas ang binabayaran ng mga pasahero para serbisyo ng pampublikong sasakyan na MRT at LRT. Mga naaantalang tren, siksikan, mainit,mga makina sa beep cards, 'yung ilan hindi gumagana. Ilang lamang sa mga aberyang nararanasan ng mga pasahero sa pagsakay sa MRT at LRT. Ang mga aberyang ito ay nararapat lamang ana bigyan pansin ng mga kinauukulan, ang mga gobyernona may kakayahang pondohan ang pampublikong sasakyan upang sa ikatutuwa ng mga pasahero at para maipakita ang pag-unlad ng Pilipinas kahit lamang sa serbisyong ating pampublikong sasakyan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento